♥ rinah :)) |
Nais kong ibahagi sa inyo ang aking talambuhay.Ako ay si Rinalyn Castro Castillo.Ipinanganak ako sa Banga Caves Camarines Sur noong Hulyo 22,1995.Kami ay namuhay ng simple at masaya.Lima kamingmagkakapatid,ang panganay ay si Roel Castro ipinanganak noong Hulyo 25,1990,pangalawa naman ay si John Errol Castillo ipinanganak noong Setyembre 4,1993,pangatlo ay ako na 15 taong gulang na nasa ikaapat na taon nasa sekondarya,pang-apat ay si Roan Castillo ipinanganak noong Agosto 8,1997,at ang bunso ay si Rose Ann Castillo ipinanganak noong Hunyo 13.1999.Ang aking mga magulang ay sina Ruel Castillo at Analyn Castillo.Anag aking ina ay isang OFW sa Dubai siya ay 38 taong gulang na at tatlo silang magkakapatid.Ang aking ama ay isang Sales Representative siya ay 43 taong gulang na at walo silang magkakapatid.
Napalipat ulit kami sa Guadalupe 1 dahil walang kasama ang aking dalawang kuya at si inay sa bahay.Hindi naman ako nahirapan pumasok sa eskwelahan dahil malapit lang naman ito sa aming bahay.Nagsimula ako mag-aral ngGrade I noong 6 na taong gulang na ako sa mababang paaralan ng Ambray.Naging guro ko si Gng.Calanog naging masipag naman ako sa pag-aaral ngunit may pagkakataon na mas pinahahalagahan ko ang aking oras sa paglalaro.Nang tumuntong na ako sa Grade II naging guro ko naman si Gng.Hernandez.Hindi naman nawala sa akin ang pakikipaglaro sa kapwa ko kamag-aaral.Nang maging Grade III naman ako naging guro ko si Ginoong Gayapa at napalitan naman siya ni Bb.Violan.Nang ako ay Grade IV naging guro ko si Gng.Capuno na isa s
a aking paboritong guro.Natatandaan ko pa na lagi siya nag wowalk-out dahil sa aming kaingayan.Pumalit naman sa kanya si Bb.Titular.Naging matalik kong mga kaibigan sina Jenica Anne Pacia,Airese Joy Angeles,Gizelle Sacdalan at marami pang iba.Nana naging Grade V naman ako naging guro ko si Bb.Cape.Lagi kaming pinaglilinis ng aming bakuran at lagi kaming agawan sa mga walis at baka magkaubusan.Napaiyak din namin sya nung Christmas Party namin dahil sa aming kakulitan at pagiging pasaway.Nang ako ay maging Grade VI naging guro ko si Bb.Belen.Naging istrikta sya sa aming mga estudyante nya at ako ay takot sa kanya na gumawa ng kasalanan.Nagkaroon din kami ng Kids Prom para sa Grade V at Grade VI naging masaya naman ako dahil naisayaw ako ng aking mga crush.May halong lungkot at saya ng sumapit na ang Graduation namin dahil panibagong yugto sa buhay.
♥ ito ay aking kasintahan na mahal na mahal ko .. haha :)) |
♥ ang aking mga kaibigan |
♥ ang aking mga kaibigan na kasama sa educational tour sa MOA |
Nagkaroon kami ng educational tour kung saan pinuntahan namin ang mga sumusunod Light and Sounds Museum sa Intramuros,Manila,Lost of Eden sa Sucat,Parañaque,Fort Santiago,at SM Mall of Asia.Nakakapagod ngunit kapupulutan naman ito ng aral.Naging masaya naman ang J'S Prom ngayong taon dahil sa theme na Hawaiian.Naging una at huli kong kasayaw ang aking kasintahan na si Bryan.Ngayon ay prayoridad kong makapasa at makapagtapos.Nawa'y makagraduate lahat ng 4th year batch 2010-2011.Nais ko ring makakuha balang araw ng magandang trabaho upang makatulong sa aking pamilya.
Ito lamang po at maraming salamat sa pagbabasa ng aking talambuhay.
♥♥ rinah proud to be 4-CONQUERORS ♥♥
♥ ang larawan na aking panagmamalaking seksyon ng 4C |
No comments:
Post a Comment