Totoo pala ang kasabihan pagkahabahaba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Nasabi ko ito dahil ito ay nangyari sa aking magulang.maraming dumaan na pag ibig sa kanilang buhay pero sila pa rin ang nag katuluyan.noong una hindi tanggap ng lola ko ang kanilang pagmamahalan.pilit silang pinaglalayo pero sila talaga ang nakatakda.Dahil pinaglaban nila ito kahit sila ay bata pa.ang aking magulang na si Blesilda M.Lozada ay dalawampu’t isang taon na noon.at ang tatay ko naman na si Gregorio M.Lozada ay labing siyam na taon na noon.mahirap ang kanilang naging buhay mag-asawa.gayun pa man pinilit nilang mabuhay ng maayos.Biniyayaan sila ng tatlong anak na babae. Sa ngayon ang panganay kong kapatid na si Grejiel M.Lozada ay ganap na isang nars.at ang pangalawa naman ay si Gresilyn M.Lozada na namamahala naman ngayon ng isang eskwelahan. Malaki ang pagitan ng edad namin. Ako si Glecy Lozada, ang bunso sa aming magkakapatid na sa ngayon ay nasa ikaapat na baytang na ng sekondarya. Isinalang ako noong Disyembre 17, 1994.
Ito ay kuha ko noong ako ay limang buwan pa lamang. Bininyagan ako sa simbahan ng San Diego , Lungsod ng San Pablo . Ang may buhat sa akin ay ang aking ina at ang mga nasa tabihan naman ay ang aking mga ninang.
Ito ako nung daycare
Ito naman ay noong ako ay apat na taon. Umabay ako sa aking pinsan. Hindi talaga ako mahilig ngumiti. Sa kadahilanan na ako ay napakamahiyaing bata pero nakukuha pa rin akong muse noong ako ay nasa elementarya. Nagsimula akong sumali sa mga kompetisyon noong ako ay Grade I- III. Nag-aral ako ng elementarya sa San Diego Elementary School at dito na rin ako nakapagtapos.
Ito ako nung 7 years old
At nang ako naman ay tumuntong ng sekondarya ay patuloy ng gumanda ang aking pangangatawan. Hindi na ako naging masakitin at palagi na akong ngumingiti. Lumaki ako sa isang masaya at masaganang pamilya pero paminsan- minsan dumaranas din kami ng kawalan ngunit ito ay aming nasusulusyunan. May malaking angkan ang aking tatay. Ang aking pinaka-close sa kanila ay ang aking pinsan na si Veronica E. Lozada. Sa kanya ako lagi nagkekwento ng mga nangyayari sa akin tuwing ako ay pupunta sa kanila. Pero meron naman akong pinsan na hindi ko kayang paki samahan dahil din siguro sa kanyang pag-uugali. Nahihiya kasi akong makisama sa kanya. Siguro ay dahil sa ibang lugar siya lumaki kaya't ganoon ang kanyang pag-uugali. Mayroon din naman akong pinsan na nasa ibang bansa. Nagng super close na siya sa akin kaya ako ay lubos na nalungkot nang siya ay umalis. Dalawang pasko at isang bagong taon na din na hindi namin siya nakasama pero naunawaan ko naman kung bakit kailangan niyang pumunta doon. Sobrang namimiss ko ang mga luto niya lalo na yung spaghetti! Kaya ako, ang kukunin kong kurso ay HRM para matuto akong magluto. Paborito ko kasing magluto. Nakaluto na rin ako ng spaghetti. Masarap din naman kahit papaano =). Nakapag bake na rin ako ng cakes and cookies.
Ngayon ay nag aaral na ako sa sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool na mas kilala noong annex 5. Noong ako ay pumasok dito ng 1st year higschool ay maraming pagbabago ang dumating sa aking buhay. Ito ay ang pakikisalamuha sa iba at ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Hindi ko alam kung paano ko ito gagawin. Pero nung tumagal ay nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Marami rin akong natutunan sa kanila na mga bagong salita at paggagala kung saan saan. Marami rin akong napuntahang bahay ng mga kaklase ko.Napakasaya nilang kasama.Masaya rin ang karanasang iyon. At nung magtatapos na ang taon, napahiwalay din ang iba sa akin dahil nag-iba ang kanilang section.Dalawa na lang kaming natira. Napakalungkot ng mga panahong iyon dahil akala ko ay sila na ang makakasama ko hanggang 4th year. Pero nung nagpasukan na ulit, mga bagong kaibigan ang dumating sa aking buhay kaya naging masaya ulit ako kahit na madami silang pagkakaiba. May panibago na naman akong natutunan ito ay iyong gumimik at gumala kahit gabi na at hindi umuwi sa tamang oras pero nagpapa alam naman ako. Hindi ko pa rin nagagawang magsinungaling. Dito ko na naisip na masaya talaga ang highschool lalo na ng dumating na ako ng 4th year. Dito ako natutong mag ayos ng sarili katulad ng pag mamake-up. Turo iyan ng aking kabigan. Dito na rin ako natutong UMIBIG at MASAKTAN. Pero ito ang nagturo upang ako ay bumangon at lumaban na hindi humihingi ng tulong sa aking mga magulang dahil nandito naman ang aking mga kabarkada na handang tumulong. Mas naiintindihan kasi nila kung ano ang aking nararamdaman. Masaya ako na sila ang aking naging kaibigan kaya't dito na kami nagkaroon g pangalan ng grupo. Ang pangalan nito ay "cyosecianict". Ito ay iyong pinag sama samang pangalan namin. Ang pinaka matagal ko nang kaibigan dito ay si Rose Anne I. Lorenzo. Siya ay kaklase ko pa nung 1st year. Apat na taon na kaming magkasama. Hindi ko talaga siya makakalimutan. May mga tampuhan din na nangyari sa amin:(. Pero nalutasan din namin ito agad. Ang sumunod naman ay si Maridict D. Daniel at Diana Jane I. Guno. Sobrang bait nila sa akin. Masaya rin silang kasama. At ito na ang bubuo sa aming samahan, si Angelica L. Tayobong, nitong 4th year lang namin siya naging kaibigan. Napakasaya niyang kasama. Siya ang naging "joker" ng aming grupo. Sa tuwing kami ay malungkot lagi siyang nagpapatawa! Kaya masaya ako at naging parte siya ng aming grupo. Sobrang iba ako sa kanila kasi medyo mahinhin ako. Pero nabago nila iyon naging makulit at pasaway na ako pero hindi naman ito nakasama sa akin. Kaya masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon.
js prom
Ang saya mas nag enjoy ako ngayong js. kasi ang daming ginawa.may nag fire dance pa 1st time kong naka panuod nun.sayang nga hindi kami kumpleto mag babarkada hindi kasi sumama si Diana jane.ang gagaling nila buti hindi sila napapaso.
fire dance
Ito ang mga 4-c ang saya saya kaso kulang kami dyan.
*4-CONQUERORS.,
Ang saya mas nag enjoy ako ngayong js. kasi ang daming ginawa.may nag fire dance pa 1st time kong naka panuod nun.sayang nga hindi kami kumpleto mag babarkada hindi kasi sumama si Diana jane.ang gagaling nila buti hindi sila napapaso.
fire dance
Ito ang mga 4-c ang saya saya kaso kulang kami dyan.
*4-CONQUERORS.,
Wow!!! :)
ReplyDelete