ang unang kaarawan ko |
Sa Brgy. San Gregorio, ilang metro mula sa may riles ng tren, nakatayo ang bahay ng aking mga magulang na sina Candida at Eugenio Agozar.Sa lugar na ito ako ipinanganak, noong taong 1995 ika-26 ng Enero.Sa tahimik at payapang lugar na ito ako nagka-isip, kung saan halip na kapit-bahay, ang nakapalibot sa amin ay ang mga nagtatayugang mga puno, sapagkat ang kapit-bahay namin ay nasa kabilang parte ng riles. ang katahimikang ito ay paminsan-minsang binubulabog ng busina ng tren at ilang mga kasiyahan. isa na sa mga kasiyahang ito ang aking unang kaarawan. tulad ng mga tipikal na kaarawan, imbitado lahat ng aming mga kamag-anak at kapit-bahay.
ito ang aking pamilya |
Pagkalipas ng isang taon nanganak ang aking ina at iniluwal ang aking kapatid na si Liezl. pakalipas pa nang dalawang taon ipinanganak naman ang aking bunsong kapatid na si Ian Carlo.
Sa edad na anim, naranasan ko nang malayo sa aking pamilya sapagkat ako ay kinuha ng aking Lola at doon ako pinag-aral ng kinder sa Brgy. Santa Maria. pagkatapos ng aking graduation ng kinder kinuha na uli ako nang aking mga magulang. nag-aral ako ng elementarya sa Brgy. San Joaquin Elementary School. sa halos anim na taon kung pag-aaral ng elementarya dito ko naranasan ang masasayang bagay.
Mahaba ang nilalakad namin para makarating sa eskwelahan, ngunit hindi namin naaalintana ang pagod sapagkat marami kaming makakasabay sa pagpasok. Mas masaya ang paglalakad namin tuwing uwian,kung saan-saang short-cut kami dumadaan,na doong duman kami sa ilog, inililihis namin ang aming palda tapos lulusong na kami sa hanggang tuhod na tubig.May mga araw naman na nangunguha kami ng kung ano-anong prutas.kapag kasabay namin ang pinsang kong lalaki, mangangakyat yun n puno ng santol, tapos kami naman ang taga-simot nang napatak , kaya naman meron kaming kinakain habang kami ay naglalakad.
Tuwing araw ng sabado, lumulusong kaming mag-kakapatid kasama ang aking inang dala ang mga labahin sa ilog. Habang naglalaba ang aming ina, kami aman ay naglalangoy kasama ang iba pa naming pinsan.Maliit pa ako non kaya naman di pa ako bihasang maglangoy, kaya naman sa mababaw na parte lang kami ng ilog nagtatampisaw.Minsan nag-gagawa kami na mga maliliit na daluyan ng tubig gamit ang mga dahon ng kawayan,isinusuksok namin ang dahon sa butas ng bukal.nag-gagawa din kami ng mga bangkang gawa sa balat ng puso ng saging.
Noong ako ay grade six, namatay ang aking lola, kaya nag-punta kami sa Sta. Maria. Halos isang linggo akong hindi nakapasok dahil doon. Sa halos isang taong kong pag-tira na kasama ang aking lola sa Sta. Maria mas minahal ko sya nang husto kaya naman naging napakasakit para sakin ang kanyang pag-panaw.
Ito ay isang pangyayaring hinding -hindi ko malilimutan noong ako ay nasa ika anim na baitang sa elementarya, recess namin nang mga oras na iyon, yung isa kong kaklase ay may hawak na baong hugis basket na may lamang mga kendi, sinabi nang kaklase kong iyon na ibigay daw yung bao sa kabayo sapagkat ang mga kendi daw ay mga damo. Ang ginawa ko naman, kinuha ko yung bao tapos ibinigay ko iyon sa isa kong kaklaseng inaasar naming kabayo.Pagkabigay ko, sa galit nang kaklase kong iyon tinabig nya yung bao kaya naman tumama iyon sa aking bibig kaya pumutok ang aking labi. Madali namang gumaling ang sugat kong iyon kaya lang ilang araw din namamaga ang aking labi.
Disyembre na noon, malapit na ang kapaskuhan at ilang buwwn na lang at ako ay ga-graduate na. ngunit sa di ina-asahang pangyayari kinakailangan na naming lumipat nang tirahan sapagkat ang lupang tinitirikan ng aming bahay ay naipag-bili na.Lumipat kami sa bahay ng aking tiyahing nasa ibang bansa, ang bhay na iyon ay nasa Brgy.Sta Maria. Nahirapan talaga kami sapagkat nag-aaral pa kami noon, kinakailangan naming mamasahe mula Sta. Maria hanggang San Joaquin araw-araw para makapasok. Biglaan talaga ang pagbabago nang pang araw-araw naming ginagawa,sapagkat noon, nag-lalakad lang kami ngunit nang mapalipat kami nagsasakay na kami,mas maalwan nga naman ang naging buhay namin, ngunit kung maari lang akong papiliin, mas pipiliin kong manatili sa dati naming pamumuhay, kasama ng mga taong nakasama ko na sa aking paglaki.
nang ako'y grumaduate |
Pebrero pa lang nang taong 2007 naghahanda na kami para sa nalalapit na pagtatapos. Noon ngang Marso ika-28 ay naganap ang aming pagtatapos. Masaya na malungkot ang pagtatapos namin.masaya dahil nakatapos kami ng elementarya, malungkot kasi nagkahiwahiwalay kaming magkakalase, ang isa pang ikinasiya ko ay dahil kasali ako sa mga achievers.
Ang pagtuntong ko sa sekondarya ang mas nagpa-kulay ng aking buhay,nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.Noong ako ay nasa elementarya pinangangambahan ko talaga ang pagtntong sa sekondarya, sapagkat hindi ko alam ang mga ginagawa ng mga high school student, ngunit nang ako ay nasanay na ,naisip ko na mas masaya pa pala ang pagiging high school student kaysa sa elementary student.
Ngayong fourth year, maraming proyekto ng paaralan ang aking sinamahan at sinalihan, tulad noong sumama ako sa field trip. naging masaya ang karanasan kong iyon sapagkat iyon ang kauna-unahang field trip na aking nasamahan. nagpunta kami sa bio research kung saan binigyan kami ng isda bilang souvenir, sunod na pinuntahan namin ang Fort Santiago museum. ang huling pinuntahan namin ay ang MOA. naghiwahiwalay kaming magkaklase para mag-gala.halos dalawang oras din kaming naglakad at nag-gala.nang matapos kami, napagkasunduan naming pumunta na sa aming tagpuan,ngunit sa di inaasahang pangyayari naligaw kami,kaya nagnatanong kami sa mga gwardya na aming nakakasalubong. sa kabutihang palad nakarating naman kami ng maayos.
Sumali din kami sa taunang palagsahan sa cheerdance. Halos dalawang linggo din kaming nagpa-praktis para doon.sa kabutihang palad nakamit naman namin ang ika-4 na pwesto.
4conquerors |
Ilang araw matapos ang cheerdance competition, sumali din kami sa english presentation dahil sa pagdiriwang ng english month.Kasabay naming pinraktis ang cheerdance at ang high school musical ito ang ipanlalaban namin. Nakamit namin ang ikalawang pwesto noon.
J.S namin |
Upang ipagdiwang ang aming pagkapanalo napagkasunduan naming mag-swimming. Nagpunta kami sa pansol.Naranasan ko ring dumalo sa junior senior prom. ngayong nalalapit na rin ang aming pagtatapos sa sekundarya, hinihiling ko na mas madami pa sanang bagay ang mangyari sa aking buhay na huhubog sa aking kakayahan at magtuturo sa kin ng mga bagay-bagay sa pagtuntong ko sa kolehiyo.
(kaya ganon ang title dahil aquarius ang zodiac sign ko,at sa year of the pig ako ipinanganak)
No comments:
Post a Comment