Ako si Rubilyn Canayunan Lagarto .Labing limang taong gulang .Ipinanganak ako noong Hunyo 21,1995 .Ang aking mga magulang ay sina Mylene C. Lagarto isang mananahi at si Ruben C. Lagarto isang karpintero .Pangalawa ako sa magkakapatid .Ang panganay kong kapatid na si Aileen C. Lagarto at bunsong kapatid na si Kim Rommel C. Lagarto .Meron kaming masayang pamilya ngunit minsan nakakarinig ng pag-aaway sa aming mga magulang .Nag-aral ako ng elementarya sa paaralan ng Sta. Ma. Magdalena Elementary School .Noong bata pa ako sumasali ako sa mga sagala sa fiesta sa amin ,umaabay rin ako sa kasal ng aking tita .
"ako kasama ang aking pinsan sa kasal ng aking tita" |
Sa pag-aaral ko ng elementary marami akong naging kaibigan .Marami naging karanasan .Masaya ang buhay elementarya dahil wala pa masyadong iniintindi .Naranasan ko ang pakikipag-away sa mga kaklase ko dahil lang sa pangloloko nila ngunit masaya naman kahit ganun lahat kaming magkakaeskwela ay magkakasundo ngunit hindi maiwasan ang pagkakagalit .Ngunit nang malapit na ang pagtatapos, syempre nakakalungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami .Iniisip namin kung saan kami papasok.
"kasama ko ang aking mga matatalik na kaibigan" |
"kasama ko ang aking mga kaklase at mga kaibigan" |
Sa lahat nang ito nagpapasalamat ako dahil nakapagtapos kaming lahat ng maayos.Makakapag-aral na kami ng high school .Bagong buhay ,bagong kaibigan .
"kasama ko ang aking mama" |
Kasama ko rin nga pala ang aking mama na si Mylene Lagarto sa aking pagtatapos.
Ito na ang buhay high school wala pa masyadong kakilala.Laging mag-isa dahil wala pang bagong kaibigan.1st year high school nakakatakot,parang ayaw mo pumasok dahil hindi ka pa sanay sa buhay high school.Ngunit nang tumagal nakakilala ako ng mga mababait na kaibigan.Dito naisip kong masaya nang pumasok kapag marami kang kaibigan sila ay sina Rissa,Sushmita, Melanie,Pauline at Catherine.Masaya kami kapag magkakasama kaya lang nagkagalit kami kaya nakilala ko sina Karla Mendoza at Bhing Ilah Munda.Lagi rin kaming nag-aaway na tatlo dahil hindi kami magkakasundo.Palagi rin kaming pumupunta sa bayan upang bumili ng mga pagkain at kung anu-ano pa nakakasama rin namin si Airese Angeles.Madalas din kaming mamasyal sa Sampaloc Lake kapag walang klase.Hindi namin nakakasama si Catherine Lirio dahil palagi siyang late pumasok.1st year din ng mawalan kami ng room dahil hindi kami naglilinis ng aming silid kaya sa grandstand kami nagkaklase noon.
2nd year naman seksyon B pa rin ako.Si Karla Mendoza ay naging seksyon C kaya nagkahiwalay-hiwalay na kami at doon na namin nakilala si Jamai-ann Altar.Naging masaya naman ang takbo ng aming pagkakaibigan.2nd year ng una din kaming lumaban sa Florante At Laura hindi man kami pinalad na magwagi masaya pa rin kami dahil nakakuha pa rin ng parangal ang aming mga tauhan.Marami rin kaming naging kalokohan dito namin naranasan mapa-guidance ang buong seksyon sa kadahilanang kami ay lumiban sa klase.
Sa pagdating ko ng 13 taong gulang natututo akong maggala,umalis ng bahay.Nagsimula ang lahat sa pag-attend ko nang debut ng aking kaibigan na si Rose Toralba.Pero marami akong nakilala tulad nina:Patrick,Raymond,Carlo at Jun jun.Masaya silang kasama para nga ayaw na naming maghiwalay lahat.Nang tumagal dumami ng dumami ang mga nakilala kong kaibigan tulad nina:Rodilyn,Renalyn,Bube,Chembers,Berto at napakarami pang iba.Lahat sila nakilala ako sa lugar ng Calauan.Hindi ko malilimutan ang lugar na ito dahil dito madami akong karanasan.Sa mga kabarkada dito ako natutong tumakas ng bahay,umuwi ng gabi at kung anu-anu pa.Syempre sa lahat ng karanasan ito kasama ko ang mga bestfriend ko na sina:Diane at Marc.Nagbuo kami ng grupo na DARM ngunit hindi ito nagtagal dahil sa pagkakaroon ng lovelife ni Marc.Ngunit hindi kami nagkahiwa-hiwalay dahil kahit wala siya ay tuloy pa din kami.Ito ang larawan ng ilan sa aking mga kabarkada.
"ito si charlon diaz " |
"ito si leo james millar" |
"ito si jovert baquiran" |
"ako at ang aking kapatid na si Ailene" |
Ito ako ngayon habang kasama ko ang aking kapatid. Kasama ko rin siya sa lahat dahil hindi ko lamang siya kapatid kundi isa ding barkada.
Sa pagtungtong ko sa laming limang taong gulang, marami pa akong nakilala at naging karanasan at dumami pa ang mga kaibigan ko tulad nina, Michael, Kim, Jimboy, Jhonn, Marion at Gian.Nagkaroon kami ng mga pagsasaya kapag magkakasama kami.
Dito lalong lumala ang pagiging gala ko. Nakakauwi na kami ng madaling araw at natutulog sa bahay ng barkada ko. Baliwala na rin minsan ang sermon nina mama dahil isang araw lang naman at kinabukasan ay wala na.
Nanood kami ng JS Prom ng Calauan, para makita namin ang mga barkada ko na kasali doon. Sa aming paghihintay, naglibang muna kami kasama sina Argel. Naghintay kami hanggang madaling araw at pagkatapos ay nagpunta kami sa bahay nina Michael at doon kami natulog. Masaya ang gabing iyon at nakita din namin ang iba pa naming mga kaibigan na matagal na naming hindi nakikita. Natuto din kaming magsinungaling. Pag-uwi namin kinakabahan kami at sobrang puyat kami.
Ito ang buhay ko, super gala kasama ang aking mga kaibigan dahil bahagi na sila ng buhay ko at hindt na mawawala ito.
"ito ang aking mga ka-TRIBO" |
At sa pagtatapos nitong pagpasok ko sa ika-apat na antas ng sekondarya, naging masaya ang pagpasok ko dito at naging makulay ang buhay at mundong ginagalawan ko. Nagpapasalamat ako sa bawat isang kaibigan na nakilala at nakasama ko sa apat na taon at sa mga guro na nagtitiyagang magturo sa aming lahat.
Magsisikap akong tapusin ang aking pag-aaral at mapataas ang aking mga marka upang maiahon ang aming pamilya sa kahirapan at makatulong din sa aking mga magulang na nag-alaga at nag-aruga sa akin.
Maraming salamat po.