Monday, February 21, 2011

Buhay barkada (ang talambuhay ni Rubilyn C. Lagarto)





    Ako si Rubilyn Canayunan Lagarto .Labing limang taong gulang .Ipinanganak ako noong Hunyo 21,1995 .Ang aking mga magulang ay sina Mylene C. Lagarto isang mananahi at si Ruben C. Lagarto isang karpintero .Pangalawa ako sa magkakapatid .Ang panganay kong kapatid na si Aileen C. Lagarto at bunsong kapatid na si Kim Rommel C. Lagarto .Meron kaming masayang pamilya ngunit minsan nakakarinig ng pag-aaway sa aming mga magulang .Nag-aral ako ng elementarya sa paaralan ng Sta. Ma. Magdalena Elementary School .Noong bata pa ako sumasali ako sa mga sagala sa fiesta sa amin ,umaabay rin ako sa kasal ng aking tita .




"ako kasama ang aking pinsan sa kasal ng aking tita"




 Sa pag-aaral ko ng elementary marami akong naging kaibigan .Marami naging karanasan .Masaya ang buhay elementarya dahil wala pa masyadong iniintindi .Naranasan ko ang pakikipag-away sa mga kaklase ko dahil lang sa pangloloko nila ngunit masaya naman kahit ganun lahat kaming magkakaeskwela ay magkakasundo ngunit hindi maiwasan ang pagkakagalit .Ngunit nang malapit na ang pagtatapos, syempre nakakalungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami .Iniisip namin kung saan kami papasok. 
"kasama ko ang aking mga matatalik na kaibigan"

"kasama ko ang aking mga kaklase at mga kaibigan"



  


  Sa lahat nang ito nagpapasalamat ako dahil nakapagtapos kaming lahat ng maayos.Makakapag-aral na kami ng high school .Bagong buhay ,bagong kaibigan .
"kasama ko ang aking mama"
  
    Kasama ko rin  nga pala ang aking mama na si Mylene Lagarto sa aking pagtatapos.
  
 Ito na ang buhay high school wala pa masyadong kakilala.Laging mag-isa dahil wala pang bagong kaibigan.1st year high school  nakakatakot,parang ayaw mo pumasok dahil hindi ka pa sanay sa buhay high school.Ngunit nang tumagal nakakilala ako ng mga mababait na kaibigan.Dito naisip kong masaya nang pumasok kapag marami kang kaibigan sila ay sina Rissa,Sushmita, Melanie,Pauline at Catherine.Masaya kami kapag magkakasama kaya lang nagkagalit kami kaya nakilala ko sina Karla Mendoza at Bhing Ilah Munda.Lagi rin kaming nag-aaway na tatlo dahil hindi kami magkakasundo.Palagi rin kaming pumupunta sa bayan upang bumili ng mga pagkain at kung anu-ano pa nakakasama rin namin si Airese Angeles.Madalas din kaming mamasyal sa Sampaloc Lake kapag walang klase.Hindi namin nakakasama si Catherine Lirio dahil palagi siyang late pumasok.1st year din ng mawalan kami ng room dahil hindi kami naglilinis ng aming silid kaya sa grandstand kami nagkaklase noon.
  2nd year naman seksyon B pa rin ako.Si Karla Mendoza ay naging seksyon C kaya nagkahiwalay-hiwalay na kami at doon na namin nakilala si Jamai-ann Altar.Naging masaya naman ang takbo ng aming pagkakaibigan.2nd year ng una din kaming lumaban sa Florante At Laura hindi man kami pinalad na magwagi masaya pa rin kami dahil nakakuha pa rin ng parangal ang aming mga tauhan.Marami rin kaming naging kalokohan dito namin naranasan mapa-guidance ang buong seksyon sa kadahilanang kami ay lumiban sa klase.
   Sa pagdating ko ng 13 taong gulang natututo akong maggala,umalis ng bahay.Nagsimula ang lahat sa pag-attend ko nang debut ng aking kaibigan na si Rose Toralba.Pero marami akong nakilala tulad nina:Patrick,Raymond,Carlo at Jun jun.Masaya silang kasama para nga ayaw na naming maghiwalay lahat.Nang tumagal dumami ng dumami ang mga nakilala kong kaibigan tulad nina:Rodilyn,Renalyn,Bube,Chembers,Berto at napakarami pang iba.Lahat sila nakilala ako sa lugar ng Calauan.Hindi ko malilimutan ang lugar na ito dahil dito madami akong karanasan.Sa mga kabarkada dito ako natutong tumakas ng bahay,umuwi ng gabi at kung anu-anu pa.Syempre sa lahat ng karanasan ito kasama ko ang mga bestfriend ko na sina:Diane at Marc.Nagbuo kami ng grupo na DARM ngunit hindi ito nagtagal dahil sa pagkakaroon ng lovelife ni Marc.Ngunit hindi kami nagkahiwa-hiwalay dahil kahit wala siya ay tuloy pa din kami.Ito ang larawan ng ilan sa aking mga kabarkada.



"ito si charlon diaz "
"ito si leo james millar"
"ito si jovert baquiran"
   Dahil na rin sa barkada parang ang sarap mabuhay sa mundong ito kasi lahat masaya. Dito ko rinnararanasan ang ma-inlab, magkaroon ng boyfriend. Ngunit ng ito syempre napapagalitan kami ng aming magulang dahil umaabuso na kami sa aming mga ginagawa. Hindi ko makakalimutan sa buhay kabataan ang pagsama sa mga barkada ko sa tuwing may okasyon ang pagkakaroon ng pag-iinom dahil dito hindi ko malimutan ang akala namin na hinabol ng curfew. Tumakbo kami sa gitna ng palayan, sobrang putik at doon kami natulog sa isang kubo. Buti na lang nakauwi kami ng ligtas at hindi naman napagalitan ng pag-uwi. At marami pang nangyari sa aming magbabarkada na hindi ko malilimutan. 

"ako at ang aking kapatid na si Ailene"


  Ito ako ngayon habang kasama ko ang aking kapatid. Kasama ko rin siya sa lahat dahil hindi ko lamang siya kapatid kundi isa ding barkada.
   Sa pagtungtong ko sa laming limang taong gulang, marami pa akong nakilala at naging karanasan at dumami pa ang mga kaibigan ko tulad nina, Michael, Kim, Jimboy, Jhonn, Marion at Gian.Nagkaroon kami ng mga pagsasaya kapag magkakasama kami. 
   Dito lalong lumala ang pagiging gala ko. Nakakauwi na kami ng madaling araw at natutulog sa bahay ng barkada ko. Baliwala na rin minsan ang sermon nina mama dahil isang araw lang naman at kinabukasan ay wala na.
   Nanood kami ng JS Prom ng Calauan, para makita namin ang mga barkada ko na kasali doon. Sa aming paghihintay, naglibang muna kami kasama sina Argel. Naghintay kami hanggang madaling araw at pagkatapos ay nagpunta kami sa bahay nina Michael at doon kami natulog. Masaya ang gabing iyon at nakita din namin ang iba pa naming mga kaibigan na matagal na naming hindi nakikita. Natuto din kaming magsinungaling. Pag-uwi namin kinakabahan kami at sobrang puyat kami. 
   Ito ang buhay ko, super gala kasama ang aking mga kaibigan dahil bahagi na sila ng buhay ko at hindt na mawawala ito.



"ito ang aking mga ka-TRIBO"


 Sa buhay hayskul naman ngayong 4th year na ako, nakilala ko ang aking mga best friends. Sila ay sina Catherine Lirio, ang kasama ko simula 1st year highschool , sina Pauline, Gretel at Badeth.Sila ang nakakasama ko sa araw-araw. Masaya  silang kasama at sa tuwing may problema kami, nag oopen-up kami sa isa't-isa. At kung minsan pa'y hindi maiiwasan ang pagkakagalit ngunit maayos din naman. Hindi namin talaga kung saan kami papasok ng college. Pero gusto namin ay magkakasama kami sa isang eskwelahan. Nagkaroon kami ng grupo at pinangalanang "TRIBO" 4-conquerors.
    At sa pagtatapos nitong pagpasok ko sa ika-apat na antas ng sekondarya, naging masaya ang pagpasok ko dito at naging makulay ang buhay at mundong ginagalawan ko. Nagpapasalamat ako sa bawat isang kaibigan na nakilala at nakasama ko sa apat na taon at sa mga guro na nagtitiyagang magturo sa aming lahat. 
   Magsisikap akong tapusin ang aking pag-aaral at mapataas ang aking mga marka upang maiahon ang aming pamilya sa kahirapan at makatulong din sa aking mga magulang na nag-alaga at nag-aruga sa akin. 
   


    Maraming salamat po.

The Aquarian Boar (Ang Talambuhay ni Zylene C. Agozar)

ang unang kaarawan ko 
  
   Sa Brgy. San Gregorio, ilang metro mula sa may riles ng tren, nakatayo ang bahay ng aking mga magulang na sina Candida at Eugenio Agozar.Sa lugar na ito ako ipinanganak, noong taong 1995 ika-26 ng Enero.Sa tahimik at payapang lugar na ito ako nagka-isip, kung saan halip na kapit-bahay, ang nakapalibot sa amin ay ang mga nagtatayugang mga puno, sapagkat ang kapit-bahay namin ay nasa kabilang parte ng riles. ang katahimikang ito ay paminsan-minsang binubulabog ng busina ng tren at ilang mga kasiyahan. isa na sa mga kasiyahang ito ang aking unang kaarawan. tulad ng mga tipikal na kaarawan, imbitado lahat ng aming mga kamag-anak at kapit-bahay.


ito ang aking pamilya



    Pagkalipas ng isang taon nanganak ang aking ina at iniluwal ang aking kapatid na si Liezl. pakalipas pa nang dalawang taon ipinanganak naman ang aking bunsong kapatid na si Ian Carlo.
       Sa edad na anim, naranasan ko nang malayo sa aking pamilya sapagkat ako ay kinuha ng aking Lola at doon ako pinag-aral ng kinder sa Brgy. Santa Maria. pagkatapos ng aking graduation ng kinder kinuha na uli ako nang aking mga magulang. nag-aral ako ng elementarya sa Brgy. San Joaquin Elementary School. sa halos anim na taon kung pag-aaral ng elementarya dito ko naranasan ang masasayang bagay.

       Mahaba ang nilalakad namin para makarating sa eskwelahan, ngunit hindi namin naaalintana ang pagod sapagkat marami kaming makakasabay sa pagpasok. Mas masaya ang paglalakad namin tuwing uwian,kung saan-saang short-cut kami dumadaan,na doong duman kami sa ilog, inililihis namin ang aming palda tapos lulusong na kami sa hanggang tuhod na tubig.May mga araw naman na nangunguha kami ng kung ano-anong prutas.kapag kasabay namin ang pinsang kong lalaki, mangangakyat yun n puno ng santol, tapos kami naman ang taga-simot nang napatak , kaya naman meron kaming  kinakain habang kami ay naglalakad.

        Tuwing araw ng sabado, lumulusong kaming mag-kakapatid kasama ang aking inang dala ang mga labahin sa ilog. Habang naglalaba ang aming ina, kami aman ay naglalangoy kasama ang iba pa naming pinsan.Maliit pa ako non kaya naman di pa ako bihasang maglangoy, kaya naman sa mababaw na parte lang kami ng ilog nagtatampisaw.Minsan nag-gagawa kami na mga maliliit na daluyan ng tubig gamit ang mga dahon ng kawayan,isinusuksok namin ang dahon sa butas ng bukal.nag-gagawa din kami ng mga bangkang gawa sa balat ng puso ng saging.
         Noong ako ay grade six, namatay ang aking lola, kaya nag-punta kami sa Sta. Maria. Halos isang linggo akong hindi nakapasok dahil doon. Sa halos isang taong kong pag-tira na kasama ang aking lola sa Sta. Maria mas minahal ko sya nang husto kaya naman naging napakasakit para sakin ang kanyang pag-panaw.

           Ito ay isang pangyayaring hinding -hindi ko malilimutan noong ako ay nasa ika anim na baitang sa elementarya, recess namin nang mga oras na iyon, yung isa kong kaklase ay may hawak na baong hugis basket na may lamang mga kendi, sinabi nang kaklase kong iyon na ibigay daw yung bao sa kabayo sapagkat ang mga kendi daw ay mga damo. Ang ginawa ko naman, kinuha ko yung bao tapos ibinigay ko iyon sa isa kong kaklaseng inaasar naming kabayo.Pagkabigay ko, sa galit nang kaklase kong iyon tinabig nya yung bao kaya naman tumama iyon sa aking bibig kaya pumutok ang aking labi. Madali namang gumaling ang sugat kong iyon kaya lang ilang araw din namamaga ang aking labi.

          Disyembre na noon, malapit na ang kapaskuhan at ilang buwwn na lang at ako ay ga-graduate na. ngunit sa di ina-asahang pangyayari kinakailangan na naming lumipat nang tirahan sapagkat ang lupang tinitirikan ng aming bahay ay naipag-bili na.Lumipat kami sa bahay ng aking tiyahing nasa ibang bansa, ang bhay na iyon ay nasa Brgy.Sta Maria. Nahirapan talaga kami sapagkat nag-aaral pa kami noon, kinakailangan naming mamasahe mula Sta. Maria hanggang San Joaquin araw-araw para makapasok. Biglaan talaga ang pagbabago nang  pang araw-araw naming ginagawa,sapagkat noon, nag-lalakad lang kami ngunit nang mapalipat kami nagsasakay na kami,mas maalwan nga naman ang naging buhay namin, ngunit kung maari lang akong papiliin, mas pipiliin kong manatili sa dati naming pamumuhay, kasama ng mga taong nakasama ko na sa aking paglaki.

nang ako'y grumaduate
 

     Pebrero pa lang nang taong 2007 naghahanda na kami para sa nalalapit na pagtatapos. Noon ngang Marso ika-28 ay naganap ang aming pagtatapos. Masaya na malungkot ang pagtatapos namin.masaya dahil nakatapos kami ng elementarya, malungkot kasi nagkahiwahiwalay kaming magkakalase, ang isa pang ikinasiya ko ay dahil kasali ako sa mga achievers.




        Ang pagtuntong ko sa sekondarya ang mas nagpa-kulay ng aking buhay,nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.Noong ako ay nasa elementarya pinangangambahan ko talaga ang pagtntong sa sekondarya, sapagkat hindi ko alam ang mga ginagawa ng mga high school student, ngunit nang ako ay nasanay na ,naisip ko na mas masaya pa pala ang pagiging high school student kaysa sa elementary student.

         Ngayong  fourth year, maraming proyekto ng paaralan ang aking sinamahan at sinalihan, tulad noong sumama ako sa field trip. naging masaya ang karanasan kong iyon sapagkat iyon ang kauna-unahang field trip na aking nasamahan. nagpunta kami sa bio research kung saan binigyan kami ng isda bilang souvenir, sunod na pinuntahan namin ang Fort Santiago museum. ang huling pinuntahan namin ay ang MOA. naghiwahiwalay kaming magkaklase para mag-gala.halos dalawang oras din kaming naglakad at nag-gala.nang matapos kami, napagkasunduan naming pumunta na sa aming tagpuan,ngunit sa di inaasahang pangyayari naligaw kami,kaya nagnatanong kami sa mga gwardya na aming nakakasalubong. sa kabutihang palad nakarating naman kami ng maayos.
         Sumali din kami sa taunang palagsahan sa cheerdance. Halos dalawang linggo din kaming nagpa-praktis para doon.sa kabutihang palad nakamit naman namin ang ika-4 na pwesto.


4conquerors


    Ilang araw matapos ang cheerdance competition, sumali din kami sa english presentation dahil sa pagdiriwang ng english month.Kasabay naming pinraktis ang cheerdance at ang high school musical ito ang ipanlalaban namin. Nakamit namin ang ikalawang pwesto noon.



 J.S namin 

   
     Upang ipagdiwang ang aming pagkapanalo napagkasunduan naming mag-swimming. Nagpunta kami sa pansol.Naranasan ko ring dumalo sa junior senior prom. ngayong nalalapit na rin ang aming pagtatapos sa sekundarya, hinihiling ko na mas madami pa sanang bagay ang mangyari sa aking buhay na huhubog sa aking kakayahan at magtuturo sa kin ng mga bagay-bagay sa pagtuntong ko sa kolehiyo.



     (kaya ganon ang title dahil aquarius ang zodiac sign ko,at sa year of the pig ako ipinanganak)

Sunday, February 20, 2011

♥♥" CUTTIE GURL " ♥♥ rinah : )) ( Ang Makabuluhang Talambuhay ni Rinalyn Castillo )

♥ rinah :))

       Nais kong ibahagi sa inyo ang aking talambuhay.Ako ay si Rinalyn Castro Castillo.Ipinanganak ako sa   Banga Caves Camarines Sur noong Hulyo 22,1995.Kami ay namuhay ng simple at masaya.Lima kamingmagkakapatid,ang panganay ay si Roel Castro ipinanganak noong Hulyo 25,1990,pangalawa naman ay si John Errol Castillo ipinanganak noong Setyembre 4,1993,pangatlo ay ako na 15 taong gulang na  nasa ikaapat na taon nasa sekondarya,pang-apat ay si Roan Castillo ipinanganak noong Agosto 8,1997,at ang bunso ay si Rose Ann Castillo ipinanganak noong Hunyo 13.1999.Ang aking mga magulang ay sina Ruel Castillo at Analyn Castillo.Anag aking ina ay isang OFW sa Dubai siya ay 38 taong gulang na at tatlo silang magkakapatid.Ang aking ama ay isang Sales Representative siya ay 43 taong gulang na at walo silang magkakapatid.


     ♥ kasama ko ang pinsan at mga kapatid ko                      
                                       
  Noong taong 1999 ay nagpasya aking mga magulang na lumipat kami sa San Pablo City,Laguna.Matagal din kaming nakapisan ng aking lolo at lola sa Guadalupe 1.Sila na din ang nag-alaga sa aming lima dahil na rin sa trabaho na mama at papa.Naranasan ko din na makita na nag-aaway akina ama't ina dahil sa hindi pagkakaintindihan sa maraming bagay.Nang dahil doon napagpasya sina mama na lumipat ulit kami ng bahay.Nanirahan kami sa Bagong Bayan.Kami ay nangupahan ngunit hindi din  nagtagal dahil sa kapitbahay naming mga lasenggo kaya natakot ang aking ina na may masamang mangyari sa amin.Napilitan kaming lumipat sa Villantonio Phase 1 kung saan nakasama namin doon ang tatlong kapatid ng aking lola.Naging maganda naman ang pakikitungo nila sa amin ngunit may mga pagkakataon na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan sa ilang mga bagay.


     Napalipat ulit kami sa Guadalupe 1 dahil walang kasama ang aking dalawang kuya at si inay sa bahay.Hindi naman ako nahirapan pumasok sa eskwelahan dahil malapit lang naman ito sa aming bahay.Nagsimula ako mag-aral ngGrade I noong 6 na taong gulang na ako sa mababang paaralan ng Ambray.Naging guro ko si Gng.Calanog naging masipag naman ako sa pag-aaral ngunit may pagkakataon na mas pinahahalagahan ko ang aking oras sa paglalaro.Nang tumuntong na ako sa Grade II naging guro ko naman si Gng.Hernandez.Hindi naman nawala sa akin ang pakikipaglaro sa kapwa ko kamag-aaral.Nang maging Grade III naman ako naging guro ko si Ginoong Gayapa  at napalitan naman siya ni Bb.Violan.Nang ako ay Grade IV naging guro ko si Gng.Capuno na isa s
a aking paboritong guro.Natatandaan ko pa na lagi siya nag wowalk-out dahil sa aming kaingayan.Pumalit naman sa kanya si Bb.Titular.Naging matalik kong mga kaibigan sina Jenica Anne Pacia,Airese Joy Angeles,Gizelle Sacdalan at marami pang iba.Nana naging Grade V naman ako naging guro ko si Bb.Cape.Lagi kaming pinaglilinis ng aming bakuran at lagi kaming agawan sa mga walis at baka magkaubusan.Napaiyak din namin sya nung Christmas Party namin dahil sa aming kakulitan at pagiging pasaway.Nang ako ay maging Grade VI  naging guro ko si Bb.Belen.Naging istrikta sya sa aming mga estudyante nya at ako ay takot sa kanya na gumawa ng kasalanan.Nagkaroon din kami ng Kids Prom para sa Grade V at Grade VI naging masaya naman ako dahil naisayaw ako ng aking mga crush.May halong lungkot at saya ng sumapit na ang Graduation namin dahil panibagong yugto sa buhay.
♥ ito ay aking kasintahan na mahal na mahal ko .. haha  :))

♥ ang aking mga kaibigan 
              Dumako naman tayo sa aking pag-aaral sa sekondarya.Naging I-E  ako nang tumuntong ako sa ikaunang taon.Naging tagapayo ko si Gng.Briñas naging matalik na kaibigan ko naman sina Mary Grace Dellosa,Kwin Aizelle Abando,Pauline Joy Dizon at Micah Krishia Garcia.Nakamit ko namang mapataas ang aking mga marka at laking tuwa ng aking mga magulang.Napalipat naman ako ng seksyon noong ikalawang taon na naging II-C ako.Noong una ilang ako at nahihiya ako sa aking mga kamag-aral dahil baguhan pa lamang ako ngunit hindi naglaon marami rin akong naging mga kaibigan kabilang dito sina Katherine Rosales,Hazelyn Solis,Honey Grace Santos,at Danica Ronquillo.Napahiwalay naman ako sa kanila pagdating nang ikatlong taon at naging III-C ako at bumaba naman sila.Nakilala ko naman ang PEPXTERS ito ay sina Gizelle Briñas,Sarah Mica dela Cruz,Jaeime Briñas,Jeanjelyn Belen,Ivy Ellaine Faustino,Micah Krishia Garcia at Rachelle Capule.Naging masaya naman ang aming J'S Prom dahil naisayaw ako ng aking crush na si Kevin Gahon.Nanibago naman ako pagdating ng ikaapat na taon bilang IV-C.Marami ang bumaba at tumaas ang seksyon na dati kong mga kaklase.Naging masaya at naging makulay ang aking buhay pag-ibig ng naging kasintahan ko si Bryan Balanial Carandang.Hindi ko rin malilimutan na dumating yung araw na BUDOL-BUDOL ako at ang dalawa kong pinsan.Iniyakan ko maghapon ang nangyari dahil nakuhanan kami pareho ng cellphone.Nagbigay ito ng magandang aral sa akin ito ay ang "huwag magtitiwala sa mga taong hindi mo kakilala o kaya'y  mga nakakasalubong".Laking pasalamat na lang ng aking pamilya na walang masamang nangyari sa amin.
    
♥ ang aking mga kaibigan na kasama sa educational tour sa MOA 
         Nagkaroon kami ng educational tour kung saan pinuntahan namin ang mga sumusunod  Light and Sounds Museum sa Intramuros,Manila,Lost of Eden sa Sucat,Parañaque,Fort Santiago,at SM Mall of Asia.Nakakapagod ngunit kapupulutan naman ito ng aral.Naging masaya naman ang J'S Prom ngayong taon dahil sa theme na Hawaiian.Naging una at huli kong kasayaw ang aking kasintahan na si Bryan.Ngayon ay prayoridad kong makapasa at makapagtapos.Nawa'y makagraduate lahat ng 4th year batch 2010-2011.Nais ko ring makakuha balang araw ng magandang trabaho upang makatulong sa aking pamilya.


         Ito lamang po at maraming salamat sa pagbabasa ng aking talambuhay.  
   

        ♥♥ rinah proud to be 4-CONQUERORS ♥♥
 ♥ ang larawan na aking panagmamalaking seksyon ng 4C 
                                                                                                                                   
                                                                                                               

"SIMPLE BUT ROCK"na Talambuhay ni Kerwin C. Chavez

                                                   AKO TO..Walang aangal..Patay ang umapila...    

  Ang aking talambuhay ay simple lamang katulad ng buhaty ng mga pangkaraniwang tao sa buong mundo.Ako ay bunga ng pagmamahalan,pagmamahalan nina Leonardo Austria Chavez na taga Cuenca Batangas at Fe Esperansa Catipon Chavez na taga San Pablo City Laguna.Ikinasal sila noong Enero 6,1985.Sila ay nagkaroon ng apat na anak,ang panganay kong kapatid na si Ma.Kristina C. Chavez,sumunod si Kervin C. Chavez,si Karen C. Chavez at syempre ako,si Kerwin C. Chavez na ipinanganak noong Marso 4,1994 ang bunso nilang anak.Ako at ang aking mga kapatid ay pinalaki ng aming mga magulang ng maayos.Bagamat mahirap lamang kami,napalaki naman nila kami ng tama.Hindi nila kami hinahayaang maglaro sa lansangan noong mga bata pa kami dahil ayaw nila kaming madisgrasya o mapabarkada sa masama,kaya madalas ay kami-kami lang ang magkakalaro.At ito ang naging dahilan kung bakit naging mahiyain kami sa ibang tao dahil bihira kami palabasin ng bahay.

       Noong ako ay mag-limang taong gulang na,ipinasok ako ng aking mga magulang  sa Day Care Center upang doon ay magsimula akong mag-aral.Ngunit bago nila ako ipinasok doon ay naturuan na nila akong sumulat.Sa unang araw ng aking pagpasok sa Day Care Center,halos lahat ng mga batang kamag-aral ko ay umiiyak dahil ayaw nilang iwan sila ng kanilang magulang sa loob ng silid aralan.Ngunit sabi sa akin ng aking ina ay hindi  naman daw niya ako iiwan at babantayan daw niya ako sa labas ng silid aralan kaya hindi ako umiyak gaya ng aking mga kamag-aral.At sa paglipas ng mga araw unti-unti kong nakikilala ang aking mga kaklase at ako ay nagkaroon ng ilang kaibigan.Unti-unti na ding nabawasan ang aking pagkamahiyain dahil nakakilala na ako ng bagong mga kaibigan.At hindi nagtagal ay grumaduate na ako sa Day Care Center na aking pinasukan.Nang matapos ko ang aking pag-aaral sa paaralang iyon,inilipat na ako ng aking mga magulang  sa paaralan ng Liceo De San Pablo.Upang doon ay maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa elementarya.

       Noong pumasok ako sa paaralan ng Liceo De San Pablo,mas marami na akong nakilala at naging kaibigan.Ngunit hindi lahat ng nakilala ko ay naging mabuti kong kaibigan.Dahil may ilan sa kanila na masyadong mapanlait,mahilig silang manghusga at mang-asar kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kanila.At ito ay naging dahilan ng muli kong pagiging mahiyain.Malaki rin ang naging epekto nito sa akin,dahil kung minsan ay naiilang na akong pumasok dahil lagi nila akong inaasar.At kung minsan ay hindi ko na rin kaya ang ginagawa nila sa akin kaya wala akong magawa kundi umiyak at magmukmok na lamang.Ngunit kahit na nahihirapan ako dahil sa kanila,ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-aaral.At habang ako ay nag-aaral,nadiskubre ko ang aking talento sa paglalaro ng "chess".Naging hilig ko itong laruin hanggang sa inilaban ako sa Intramurals namin nung ako ay grade IV.Ilan kaming naglaban noon mula grade IV hanggang grade VI.At naging Champion ako noon sa larong "chess".Naging masaya ako noon sa paglalaro at ipinagpatuloy ko ang aking paglalaro nito.Ngunit pansamantalang huminto ako sa paglalaro nito dahil noong matapos ako ng Grade V nagkaroon kami ng problema.Nagkaroon kami ng Financial problem at kinailangan akong lumipat ng paaralan.Kaya't hindi ko naituloy ang paglalaro ko nito.Umiyak ako noon dahil ililipat nila ako ng paaralan kahit na isang taon na lamang ay gagraduate na ako sa elementarya.Ngunit wala akong nagawa dahil hindi na ako makakapag-aral sa private school.

       Ako ay  nag-aral noon ng grade VI sa Fule Almeda Elementary School.Doon ay mabilis kong nakilala ang aking mga kaklase dahil 21 lamang kami sa klase.Marami akong natutunan sa mga kaklase ko doon.Tuwing tanghali o kapag wala kaming klase ay naglalaro kami.Madalas ay na sa computer shop kaming mga lalaki at naglalaro ng computer games.Kapag awasan naman ay pumupunta ako sa tita ko na malapit lang sa paaralan namin ang bahay.Doon ako kumakain ng lunch at doon din ako kinakaon ng aking ama pagkatapos ng klase.At kahit na mayroon kaming financial problem,nakatapos pa rin ako ng elementarya sa Fule Almeda Elementary School.Naging masaya ako sa pagpasok ko doon kahit na isang taon lang ako pumasok doon.

       Nang pumasok ako ng High School sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School,medyo nahirapan ako mag-adjust sa sarili ko.Dahil napahiwalay ako ng section sa mga kaklase ko noong grade VI.At napakadami naming magkakaklase sa isang section.Mahigit 60 kami sa isang room kaya nahirapan ako makisalamuha sa kanila.Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay naging maayos na ang lahat.At doon ko nakilala si Ella Mae De Mesa Dimaculangan,naging crush ko siya at nagustuhan.Ngunit dahil bata pa ako noon ay wala pa akong masyadong alam sa panliligaw.Naging mahiyain ako sa kanya at naiilang ako kapag nakakausap ko siya.Hindi nagtagal ay nalaman niya ang nararamdaman ko sa kanya kaya't nagkailangan kami sa isa't isa.Sinubukan ko siyang ligawan pero may iba siyang mahal,kaya't nanligaw ako ng ibang babae.Pinsan siya ng aming kaklase,nakatext ko siya at niligawan ko sa text.Ilang araw ang lumipas ay naging girl friend ko na siya sa text,siya ay si Ana Carla Glorioso.Jan.10,2008 nang ako ay sinagot niya.Pero hindi nagtagal ang aming relasyon dahil hindi naman kami nagkikita.Kaya't nagpasya akong makipagbreak dahil na din sa mas mahal ko pa rin si Ella mae.Itinuloy ko ang aking panliligaw sa kanya kahit na marami akong karibal at kahit lagi akong natotorpe kapag kaharap k na siya.Madalas ko siyang makatext noong matapos na ang school year namin.At habang bakasyon pa noon,nag-aral akong maggitara habang wala pa akong ginagawa o kapag hinda ko pa katext si Ella Mae.

       Noong magsecond year na kami,nagkahiwalay kami ng section ni Ella Mae.Ako na dating I-D ay naging II-C na.At siya naman ay naging II-D.Medyo nalungkot ako noon dahil nagkahiwalay  na kami ng section.Lalo akong nahirapan dahil doon.Ngunit naging masaya naman ako sa mga naging barkada ko sa II-C.Marami akong natutunan kasama sila.Lalo akong natuto sa paggigitara dahil sa ilan kong barkada doon.Naging hilig ko na ang paggigitara simula noon.Madalas ko ginagawa ang pagtugtog ng gitara habang katext ko si Ella Mae.At habang tumatagal ay nagiging mabait na sa akin si Ella Mae kaya lalo ako naging masaya.Hindi nagtagal,noong Oct.18,2008,ako ay sinagot na niya.Masayang-masaya ako  noon dahil sa wakas,sa tagal ng panahon na niligawan ko siya ay sinagot na niya ako.Pero hindi naiwasan na paminsan-minsan ay nagkakaroon kami ng problema sa isa't isa.At kung minsa pa ay nagkakatampuhan pa.Pero kahit ganoon,tumagal pa rin ang aming relasyon.Ngunit noong nagthird year na kami,napag-isipan ko na kailangan na naming itigil ang aming relasyon.Dahil hindi ako ang tamang lalaki para sa kanya dahil hindi ko kayang ibigay ang lahat para sa kanya.Hindi ko na siya mabigyan ng oras at laging sa text lang kami nagkakausap.Kaya nakipagbreak ako kahit mahirap at masakit.



       Pagdating ng Third year,mas marami na akong  natutunan at naexperience.Mas naging matured na din ako hindi gaya ng dati.At madalas din ako gumala ksama ang barkada ko.Madalas din kami magjam noon kapag walang klase lalo na noong may battle of the band sa school.Pero hindi kami pinalad na makapasok noon.Marami din ako naka relasyon noon,si Airese Joy Angeles,Pero hindi nagtagal ang aming relasyon.Sumunod si Junnielyod Agozar,pero hindi rin kami nagtagal dahil pagkatapos ng isang buwan nakipagbreak din siya sa akin.Tapos nakilala ko si Angel Karen Samsaman,at dahil ayoko ng maulit ang nangyari sa iba kong naging girl friend.Minahal ko siya ng lubos,ibinigay ko sa kanya lahat ng makakaya ko.Naging masaya ang buhay ko kasama siya,at lagi akong komportable kapag kasama ko siya.Sinimulan kong buuin ang mga pangarap ko kasama siya.Noong third year ko din naexperience kung gaano kasaya ang JS Prom.Da yoon ang una naming JS Prom,medyo nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko pa noon nararanasan umattend ng JS Prom.Doon ako nagkaroon ng pagkakataon magpasalamat at magsorry sa mga taong naging bahagi ng aking High School life.Bago matapos ang third year.

Tropang Suko Batch 2011... 

Noong swimming namin..

 Noong JS namin...



       Ngayong Fourth year na kami,mas naging busy na kami dahil graduating na kami.Dumami din ang mga activities sa school.Mas naging magulo din ang section namin dahil nagkasama ang section C at section B noong third year.Pero kahit magulo ang section namin at lagi kaming napapagalitan ng mga guro,masaya naman kami at sama-samang hinaharap ang mga problema ng aming section,ang "IV-Conquerors".Ipinagmamalaki ko na naging bahagi ako na aming  section at dadalahin ko ito saan man ako magpunta.Hinding-hindi ko sila makakalimutan.At ngayong malapit ng matapos ang school year batch 2010-2011,sinusulit ko na ang mga araw na kasama ko sila.Dahil sigurado ako na mamimiss ko silang lahatSana ay sama-sama kaming makagraduate sa araw ng aming graduation.At sana  matuloy na ang aming banda sa darating na concert sa feb.25,2011...THAT'S ALL!!!...THANK YOU!!!...

              .,_ I'M KERWIN C. CHAVEZ,PROUD TO BE "IV-CONQUERORS" Batch 2010-2011,,.

Saturday, February 19, 2011

Ang talambuhay ni Glecy M.Lozada

      Totoo pala ang kasabihan pagkahabahaba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Nasabi ko ito dahil ito ay nangyari sa aking magulang.maraming dumaan na pag ibig sa kanilang buhay pero sila pa rin ang nag katuluyan.noong una hindi tanggap ng lola ko ang kanilang pagmamahalan.pilit silang pinaglalayo pero sila talaga ang nakatakda.Dahil pinaglaban nila ito kahit sila ay bata pa.ang aking magulang na  si Blesilda M.Lozada ay dalawampu’t isang taon na noon.at ang tatay ko naman na si Gregorio M.Lozada ay labing siyam na taon na noon.mahirap ang kanilang  naging buhay mag-asawa.gayun pa man pinilit nilang mabuhay ng maayos.Biniyayaan  sila ng tatlong anak na babae. Sa ngayon ang panganay kong kapatid na si Grejiel M.Lozada ay ganap na isang nars.at ang pangalawa naman ay si Gresilyn M.Lozada na namamahala naman ngayon ng isang eskwelahan. Malaki ang pagitan ng edad namin. Ako si Glecy Lozada, ang bunso sa aming magkakapatid na sa ngayon ay nasa ikaapat na baytang na ng sekondarya. Isinalang ako noong Disyembre 17, 1994. 

Ito ay kuha ko noong ako ay limang buwan pa lamang. Bininyagan ako sa simbahan ng San Diego, Lungsod ng San Pablo. Ang may buhat sa akin ay ang aking ina at ang mga nasa tabihan naman ay ang aking mga ninang.



                                         Itong katabi namin mga ninang ko
                                                                                         

Ito ako nung daycare

Mabils na lumipas ang panahon. Ako ay isang taon na. Naging masaya ang aking kabataan. Palagi nila akong binibili ng laruan, subalit masasabi kong ako ay isang batang masasakitin. Gayun pa man kahit ako ay laging nagkakasakit,masasabi ko pa rin na ako ay isang masayahing bata at nung ako ay lumaki na, nag-aral na ako sa Brgy. San Diego Daycare Center. Ako ay saling pusa pa lamang nung nag-aral dahil hindi pa sapat ang aking edad para mag-aral. Naging kaklase ko ang aking mga pinsan pero napag iwanan din nila ako dahil nag-ulit ako ng  daycare.




  


Ito naman ako nung isang taon


Ito naman ay noong ako ay apat na taon. Umabay ako sa aking pinsan. Hindi talaga ako mahilig ngumiti. Sa kadahilanan na ako ay napakamahiyaing bata pero nakukuha pa rin akong muse noong ako ay nasa elementarya. Nagsimula akong sumali sa mga kompetisyon noong ako ay Grade I- III. Nag-aral ako ng elementarya sa San Diego Elementary School at dito na rin ako nakapagtapos. 



                                                                                         Ito ako nung 7 years old
              


          At nang ako naman ay tumuntong ng sekondarya ay patuloy ng gumanda ang aking pangangatawan. Hindi na ako naging masakitin at palagi na akong ngumingiti. Lumaki ako sa isang masaya at masaganang pamilya pero paminsan- minsan dumaranas din kami ng kawalan ngunit ito ay aming nasusulusyunan. May malaking angkan ang aking tatay. Ang aking pinaka-close sa kanila ay ang aking pinsan na si Veronica E. Lozada. Sa kanya ako lagi nagkekwento ng mga nangyayari sa akin tuwing ako ay pupunta sa kanila. Pero meron naman akong pinsan na hindi ko kayang paki samahan dahil din siguro sa kanyang pag-uugali.  Nahihiya kasi akong makisama sa kanya. Siguro ay dahil sa ibang lugar siya lumaki kaya't ganoon ang kanyang pag-uugali. Mayroon din naman akong pinsan na nasa ibang bansa. Nagng super close na siya sa akin kaya ako ay lubos na nalungkot nang siya ay umalis. Dalawang pasko at isang bagong taon na din na hindi namin siya nakasama pero naunawaan ko naman kung bakit kailangan niyang pumunta doon. Sobrang namimiss ko ang mga luto niya lalo na yung spaghetti! Kaya ako, ang kukunin kong kurso ay HRM para matuto akong magluto. Paborito ko kasing magluto. Nakaluto na rin ako ng spaghetti. Masarap din naman kahit papaano =). Nakapag bake na rin ako ng cakes and cookies. 


                   Ngayon ay nag aaral na ako sa sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool na mas kilala noong annex 5. Noong ako ay pumasok dito ng 1st year higschool ay maraming pagbabago ang dumating sa aking buhay. Ito ay ang pakikisalamuha sa iba at ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Hindi ko alam kung paano ko ito gagawin. Pero nung tumagal ay nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Marami rin akong natutunan sa kanila na mga bagong salita at paggagala kung saan saan. Marami rin akong napuntahang bahay ng mga kaklase ko.Napakasaya nilang kasama.Masaya rin ang karanasang iyon. At nung magtatapos na ang taon, napahiwalay din ang iba sa akin dahil nag-iba ang kanilang section.Dalawa na lang kaming natira. Napakalungkot ng mga panahong iyon dahil akala ko ay sila na ang makakasama ko hanggang 4th year. Pero nung nagpasukan na ulit, mga bagong kaibigan ang dumating sa aking buhay kaya naging masaya ulit ako kahit na madami silang pagkakaiba. May panibago na naman akong natutunan ito ay iyong gumimik at gumala kahit gabi na at hindi umuwi sa tamang oras pero nagpapa alam naman ako. Hindi ko pa rin nagagawang magsinungaling. Dito ko na naisip na masaya talaga ang highschool lalo na ng dumating na ako ng 4th year. Dito ako natutong mag ayos ng sarili katulad ng pag mamake-up. Turo iyan ng aking kabigan. Dito na rin ako natutong UMIBIG at MASAKTAN. Pero ito ang nagturo upang ako ay bumangon at lumaban na hindi humihingi ng tulong sa aking mga magulang dahil nandito naman ang aking mga kabarkada na handang tumulong. Mas naiintindihan kasi nila kung ano ang aking nararamdaman. Masaya ako na sila ang aking naging kaibigan kaya't dito na kami nagkaroon g pangalan ng grupo. Ang pangalan nito ay "cyosecianict". Ito ay iyong pinag sama samang pangalan namin. Ang pinaka matagal ko nang kaibigan dito ay si Rose Anne I. Lorenzo. Siya ay kaklase ko pa nung 1st year. Apat na taon na kaming magkasama. Hindi ko talaga siya makakalimutan. May mga tampuhan din na nangyari sa amin:(. Pero nalutasan din namin ito agad. Ang sumunod naman ay si Maridict D. Daniel at Diana Jane I. Guno. Sobrang bait nila sa akin. Masaya rin silang kasama. At ito na ang bubuo sa aming samahan, si Angelica L. Tayobong, nitong 4th year lang namin siya naging kaibigan. Napakasaya niyang kasama. Siya ang naging "joker" ng aming grupo. Sa tuwing kami ay malungkot lagi siyang nagpapatawa! Kaya masaya ako at naging parte siya ng aming grupo. Sobrang iba ako sa kanila kasi medyo mahinhin ako. Pero nabago nila iyon naging makulit at pasaway na ako pero hindi naman ito nakasama sa akin. Kaya masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon.


                       
                                     Ito ang grupong 'cyosecianict'






                                              Ito naman yung js prom namin





                  My best friends






                                                                                                                              
                                                         js prom


             Ang saya mas nag enjoy ako ngayong js. kasi ang daming ginawa.may nag fire dance pa 1st time kong naka panuod nun.sayang nga hindi kami kumpleto mag babarkada hindi kasi sumama si Diana jane.ang gagaling nila buti hindi sila napapaso.



                                                         fire dance




                                             
                       Ito ang mga  4-c ang saya saya kaso kulang kami dyan.


*4-CONQUERORS.,